--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagnegatibo sa COVID-19 ang Person Under Investigation (PUI) na namatay noong March 23 sa Southern Isabela Medical Center (SIMC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jose Ildefonso Costales Jr, Chief ng SIMC, kinumpirma niya ang impormasyong negatibo ang naturang pasyente sa COVID-19.

Ang PUI na namatay ay 68-anyos na lalaki na naunang sumasailalim sa dialysis dahil sa pagkakaroon ng Chronic Kidney Disease.

Naconfine siya sa isang pribadong pagamutan sa lunsod noong March 20 at inilipat sa SIMC noong March 21.

--Ads--

Dahil nagkaroon din ito ng Acute Respiratory Infection at lagnat ay idineklara siyang PUI alinsunod na rin sa protocol ng DOH.

Noong March 23 ay pumanaw ito at pagkatapos ng 12-oras ay inilibing siya sa San Jose Cemetery sa lunsod ng Santiago.

Nagpapasalamat naman si Dr. Costales dahil negatibo ang resulta ng test ng nasabing PUI.

Aniya, ang ikinamatay nito ay ang kanyang sakit na Chronic Disease o malalang impeksyon sa bato.