--Ads--

CAUAYAN city – Inaresto ang isang pulis matapos na magpaputok ng baril sa Labinab, Cauayan City.

Ang dinakip ay si PMSgt Ambrocio Albano, 34 anyos, may asawa, nakatalaga sa Luna Police Station at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, nakatanggap ng tawag ang himpilan hinggil sa serye ng pagpapaputok mula sa bahay ng pulis kaya agad silang tumugon.

Nakuha sa pag-iingat ni PMSgt. Albano ang isang Cal. 9mm pistol na issued firearm ng PNP, isang empty magazine ng cal. 9mm at pitong basyo ng bala ng naturang baril.

--Ads--

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang pinaghihinalaan at ang mga narekober na ebidensiya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Samantala, problema sa pamilya ang nakikitang dahilan ng pagpapaputok ng baril ni PMSgt Albano.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa kanya, sinabi niya na naglabas lamang siya ng sama ng loob kaugnay ng kinakaharap na problema.