--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ang isang pulis matapos ang umanoy pagpapaputok ng baril habang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin sa Junction, Brgy Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang pinaghihinalaan ay si Patrolman Loreto Padual Abrio, 30 anyos, may-asawa kasapi ng PNP SAF at kasalukuyang nakatalaga sa 145th Special Action Company, 14SAB PNP SAF na nakahimpil sa Lamut, Ifugao at residente Mercedes, Eastern Samar

Nakatanggap ng tawag ang Bagabag Police Station mula sa isang concerned citizen at ipinaalam ang isang lalaking nakasuot ng sibilyan na naglabas ng hindi matukoy na kalibre ng baril at ipinutok pataas sa Junction, Brgy. Tuao North.

Kagad na tumugon at nagtungo sa nasabing lugar ang mga kasapi ng Bagabag Police Station para alamin kung tutuo ang iniulat sa kanilang himplan.

--Ads--

Dito nakita ang pinaghihinalaan na gumagala sa labas ng videoke bar at halatang nasa impluwensya ng alak.

Sa paglapit ng mga pulis ay agad na isinailalim sa body search ang pinaghihinalaan at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang unit na FA MASADA na may markang “PNP Property” na may serial number 48228376.

Nakita ring na may isang fired cartridge case para sa caliber 9mm chamber jammed at magazine na may lamang labing tatlo live ammunition ng cal. 9mm na nakalagay sa loob ng kanyang sling bag.

Sa kalaunan ang pinaghihinalaan ay nakilalang miyembro ng PNP at nasa pangangalaga ngayon ng Bagabag Police Station.

Ang pinaghihinalaan ay sasailalim sa Paraffin test at Ballistics Test.