--Ads--

CAUAYAN CITY – Ligtas ang isang pulis matapos na mawalan ng kontrol sa manibela, bumangga  sa barikada at magliyab sa bahagi ng Pambansang Lansangan sa Lanna, Tumauini Isabela.

ang nagmaneho sa nasunog na sasakyan ay  si PSSg Dave Heinrich Utanis, tatlumput tatlong taong gulang, may asawa at  nakatalaga sa 1st Isabela Provincial Mobile Force Company.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Inspector Nestor Parallag, acting Municipal Fire Marshall ng Tumauini Fire Station, sinabi niya  na  nakatanggap sila  ng tawag mula sa Tumauini Police Station na may nasusunog na sasakyan at pagdating nila sa lugar ay tinutupok na ng apoy ang isang Honda civic.

Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na patungo sa Lunsod ng Ilagan si PSSG. Utanis mula sa Abulug, Cagayan.

--Ads--

Nag-over take umano sa shoulder ng daan ang pulis at nadaanan ang bahaging may tubig. Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ay nawalan siya ng kontrol sa manibela at nagpaikut-ikot bago bumangga sa barikada.

Natanggal ang isang gulong ng sasakyan at nasira ang headlight ng sasakyan na dahilan upang magkaroon ng short circuit na pinagmulan ng apoy.

Ang bahagi ng pahayag ni Fire Inspector Nestor Parallag.