--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na ginagamot sa isang ospital sa Lunsod ng Santiago ang babaeng pulis na nabaril umano ng kanyang ama sa Villa Norte, Maddela, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang biktima ay si PCorporal Riza Olasan, nasa tamang gulang at kasapi ng Maddela Municipal Police Station habang ang pinaghihinalaan ay ang kanyang ama na si Robert Taipan.

Nakatanggap ang Maddela Police Station ng tawag kaugnay sa naganap na pamamaril na agad nilang tinugunan at nakilala ang biktima na kasapi ng naturang himpilan ng pulisya.

Sinasabing ang biktima ay tinamaan ng bala ng baril sa bahagi ng kanyang leeg.

--Ads--

Agad dinala sa Maddela District Hospital ang biktima ngunit inilipat sa SMC Santiago City.

Kasalukuyan pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa naturang pamamaril.

Ang sinakyang kotse ng biktima na minamaneho ng isa ring pulis ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril  sa windshield at passenger side na nagresulta ng pagkakabaril ng biktima.