--Ads--

Back to normal na ang operasyon ng UPMC Memorial Hospital matapos ang naganap na hostage taking at shooting incident noong Sabado.

Matatandaan na isang pulis  ang kumpirmadong nasawi at limang iba pa ang nasugatan sa naganap na hostage taking at pamamaril sa UPMC Memorial Hospital York Pennsylvania.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na sa ngayon ay sarado pa sa mga visitor ang pagamutan habang patuloy na nagpapagaling ang mga sugatang biktima.

Aniya nagpunta ang suspek na si Diogenes Archangel-Ortiz 49-anyos sa pagamutan na armado ng baril at zip tie kung saan nang hostage siya ng isang medical staff ng Intensive Care Unit.

--Ads--

Ayon sa District Attorney na ang suspek ay dati na umanong may transaction sa ICU kasama ang isang pasyente at makalipas ang ilang araw ay bumalik ito sa pagamutan kung saan pinuntirya nito ang staff sa ICU.

Nagawa pang makipagpalitan ng putok ng suspek sa mga otoridad na ikinasawi niya at ni Andrew Duarte ng West York Borough Police Department at ikinasugat naman ng isang doctor, nurse at custodian.

Sa ngayon ay gumugulong ang imbestigasyon sa posibleng motibo ng suspek sa pamamaril.