CAUAYAN CITY- Isinasagawa ang “Pulis Natin Caravan” sa Nueva Vizcaya Convention Center sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya
Layunin ng nasabing caravan na ibahagi ang impormasyon kaugnay sa mga serbisyon ng PNP tulad ng proseso sa LicensE to Own and Posess Firearm at mga reklamo kaugnay sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata.
Magkakaroon din ng oath-taking sa mga bagong miyembro ng National Coalition of Force Multipliers and Advocacy Support.
Kabilang din sa aktibidad ay ang pagre-recruit ng mga bagong kasapi ng PNP, ang paglulunsad ng Police Quick Response Action Center o Itaga mo sa Bato, pinag-usapan din ang mga reklamo kaugnay sa motor vehicle verification/registration.
Natalakay din ang ilang isyu kaugnay sa ilegal na droga at mga retirement claims and benefits ng mga retiradong PNP personnel.




