
CAUAYAN CITY– Namatay ang isang pulis sa lalawigan ng Nueva Vizcaya matapos barilin ng kapwa pulis sa bayan ng Bagabag.
Ang biktima ay si PCpl Jomar Puhay, 36 anyos may-asawa, kasapi ng Bagabag Police Station at residente ng Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya
Ang pinaghihinalaan ay si Police Master Sgt. Jefferson Bartolomeo, 44 anyos, may-asawa, kasapi ng Bagabag Police Station, nakatalaga sa 1st PMFC Bayombong, Nueva Vizcaya at residente ng Poblacion West, Lamut, Ifugao.
Lumabas sa pagsisiyasat na ganap na 11:35 kagabi nang iulat ni Patrolman Larry Dulente Tarayao na nakatalaga sa 1st PMFC ang nag-ulat sa Bagabag hotline kaugnay sa kaso ng pamamaril.
Matapos barilin ang biktima ay nagpakamatay naman ang suspek bago ang hatinggabi ng August 23, 2022.
Nakarinig sina Patrolman Larry Dulente Tarayao at Patrolman Christian Manibug ng putok ng mga baril .
Nang tugunan nila ang mga naganap na putok ng baril ay nakita sa lugar ang biktima na wala nang malay na agad dinala sa pagamutan ngunit idineklara ng kanyang attending physician na dead on arrival.
Tumakas naman ang pinaghihinaaan matapos barilin ang biktima na kalaunan ay sinasabing nagbaril din sa sarili na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Isa umanong Doktor ang nagpaabot ng impormasyon sa mga pulis nang pagkakatagpo nito ng bangkay ng isang pulis sa likod ng kanyang bahay.
Kinilala naman ng mga otoridad ang natagpuang wala nang buhay na si PMaster Sgt Bartolome.
May hinala ang pulisya na nagbaril sa bunganga ang biktima na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Sasailalim sa paraffin test ang suspect at ang bitktima upang malaman kung sino ang nagpaputok ng baril sa kanila.