CAUAYAN CITY- Dead on arrival sa pagamutan ang isang pulis makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang tindahan sa Sipat Street, Barangay District 3, Cauayan City.
Ang biktima ay si SPO1 Eduardo Argonza, 40 anyos, nakatalaga sa Luna Police Station at residente ng District 3, Cauayan City
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Police Chief Inspector Pio Rañeses ng Cauayan City Police Station na sa kanilang paunang pagsisiyasat, nag-iinuman ang biktima at mga kaibigan sa loob ng kanilang tindahan na nasa gilid ng lansangan nang mayroon umanong riding in tandem criminals ang nagtungo sa nasabing lugar.
Ang isa sa dalawang suspek ay bumaba sa motorsiklo at tinungo ang bintana ng nasabing tindahan at dito inilusot ang baril saka pinagbabaril ng maraming beses ang biktima.
Anya umabot sa 12 hanggang 13 tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng baril ang tinamo ng biktima.
Ang mga pinaghihinalaan ay nakasuot ng helmet na agad tumakas gamit ang walang plakang motorsiklo patungong barangay Labinab, Cauayan City.




