--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipapaubaya ng pamunuan ng Regional Training Center sa Cauayan City Police Station ang reklamo laban sa isang pulis na umanoy nagbanta ng guwardiya ng isang bangko.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Supt. Michael Cruz ng Regional Training Center , kinilala niya ang pulis na nagbanta sa isang guwardiya na si PO3 Michael Glenn Fermin, nakatalaga sa Banaue Police Station at kasalukuyang sumasailalim sa Public Safety Junior Leadership Course sa nasabing training center.

Nauna rito ay nagsumbong sa himpilan ng pulisya ay si Paul Morillo, 25 anyos may-asawa, residente ng Lenzon, Gamu, Isabela at guwardiya ng Land Bank of the Philippines.

Noong gabi ng January 15, 2018 ay pumasok umano ang pulis na nakasibilyan sa kinaroroonan ng guwardiya matapos ma-capture ang kantang ATM card sa atm booth ng LBP sa may NIA sa barangay Minante 1.

--Ads--

Nagkaroon ng komprontasyon dahil sa walang pahintulot na pagpasok umano ng pulis sa kinaroroonan ng guwardiya.

Nagalit ang pulis, minura at pinagbantaan umano ang guwardiya at ipinakita pa ang baril na nakalagay sa kanyang baywang.

Ayon pa kay Supt, Cruz, tinanong na niya si PO3 Fermin ukol sa kinakaharap na reklamo at kanyang itinatanggi ang paratang.
Sinabi pa ni Supt Cruz na haharapin ni PO3 Fermin ang reklamo ng nasabing guwardiya at ipinauubaya na nila sa Cauayan City Police Station.