CAUAYAN CITY– Namatay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga pinaghihinalaan sa bahay ng kanyang magulang sa Purok 6, Barangay San Fermin, Cauayan City.
Ang biktima ay si Police Lt. Oliver Tolentino, 37 anyos, may-asawa, AWOL sa serbisyo at residente ng Cabaruan, Cauayan City.
Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima ay nakaupo sa harapan ng bahay ng kanyang ina nang biglang dumating ang ilang armadong kalalakihan na pumasok sa gate ng bahay.
Matapos nito ay pinaputukan ng maraming beses ang pulis na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Tinamaan ng mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si PLt. Tolentino na agad dinala ng mga kasapi ng Rescue 922 sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga pulis kaugnay sa nasabing pagpaslang.
Magugunitang nasangkot si Tolentino sa isang robbery hold -up kasama ang dalawang pinaghihinalaan sa Reina Mercedes, Isabela.










