--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang person of interest ang mga otoridad sa tumangay ng mga alahas na nagkakahalaga ng P300,000 sa isang jewelry shop sa loob ng isang malaking mall sa Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Fedimer Quiteves, Acting Chief ng City Affairs and Develepment unit ng Santiago City Police Office (SCPO) na batay sa sinuri nilang CCTV footage ay nakunan ang ginawang pananalisi ng apat na pinaghihinalaan na nagpanggap na costumer.

Nagsukat pa ng mga alahas ang mga pinaghihinalaan at nililito ang nagbabantay sa jewelry shop habang sumasalisi ang dalawang pinaghihinalaan.

Maaari anyang miyembro ng organized group ang gumawa ng pagnanakaw.

--Ads--

Nilinaw naman niya na ngayon lamang may nangyaring pananalisi sa loob ng mall sa kabila na may mga nagbabantay na guwardiya.

Malaking tulong naman na may sariling CCTV ang jewelry shop na malaking tulong para sa pagsisiyasat sa nasabing kaso.

Tinig ni PMaj. Fedimer Quiteves.