--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy na tinutugis mga kasapi ng 84th Infantry Battalion Philippine Army ang mga tumatakas na kasapi ng New People’s Army (NPA) sa boundary ng mga bayan ng Dupax del Sur at Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Lieutenant Col Honorato Pascual, Commander ng 84th Infantry Battalion, inaalam na nila kung may nasugatan sa mga rebeldeng grupo na kanilang naka- engkwentro kaninang tanghali.

Tinatayang nasa dalawampong miyembro umano ng NPA ang nakasagupa ng mga sundalo.

Ayon naman kay Police Major Jesus Ventura, hepe ng Alfonso Castaneda Police Station nagsasagawa na sila ng blocking force sa posibleng lugar na takbuhan ng mga rebeldeng hinahabol na mga sundalo.

--Ads--

Pinaigting rin ang kanilang police visibility upang hindi matakot ang mga residente na nakatira malapit sa pinangyarihan ng engkuwentro.