CAUAYAN CITY – Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng hepe ng San Mateo Police Station sa mga opisyal ng barangay upang malaman ang kalagayan ng kanilang barangay sa ipinapatupad na Oplan Tokhang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Richard Gatan, hepe ng San Mateo Police Station nais nilang malaman ang kalagayan ng mga tokhang responders.
Sinabi pa ni Chief Inspector Gatan na nagpatawag siya ng pulong sa mga Punong-barangay dahil patapos na ang Community Based rehablitation Program para sa mga tokhang responders at magtatapos na sila sa buwan ng Marso.
Sinabi pa ni Chief Inspector Gatan na hindi ang pulisya ang maghahayag na drug free ang isang barangay kundi ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Mayroon anyang sinusunod ang PDEA sa pagdedeklara na drug free ang isang barangay.




