--Ads--

Isan lalaking pa­laboy sa Brazil ang nagkaroon ng pagkakataong baguhin ang kanyang buhay matapos mag-viral ang isang video niya na sumasali sa isang 8-kilometer fun run habang naka-tsinelas lamang.

Ayon sa mga ulat, nagpasya si Isaque dos Santos Pinho, 31, na sumali sa isang fun run sa kanyang bayan sa Garrafão do Norte noong July 27.

Ang kanyang dahilan nakainom siya noong gabi bago ang event at naisip niyang ang pagtakbo ay makatutulong na maibsan ang kanyang hangover.

Kahit hindi siya rehistrado at naka-tsinelas lamang, sumabay siya sa mga kalahok.

--Ads--

Ang kanyang pagsisikap ay nakunan ng isang drone camera at mabilis na kumalat sa social media. Bagama’t hindi niya napanatili ang bilis sa buong 8 kilometer run, tinapos pa rin niya ang karera at nakatanggap ng medalya.

Ang kanyang kuwento ay mabilis na naging national headline sa Brazil. Si Isaque, na lumaki sa hirap at naging biktima ng alcoholism, ay nagpasya na gamitin ang atensiyon upang magbago.

Matapos mag-viral ang kanyang video, nagsimula siyang makatanggap ng mga donasyon tulad ng sapatos, damit, at maging imbitasyon na magsanay kasama ang mga propesyonal na runner.