
CAUAYAN – Inihatid na sa huling hantungan kaninang umaga si dating Sangguniang Panglunsod member Bagnos Maximo Sr.
Inilibing ang mga labi ni dating SP Member Maximo Sr. sa Heaven’s Garden Memorial Park sa Tagaran, Cauayan City.
Bago ito ay iniikot ang kanyang labi sa ilang barangay sa Cauayan City habang patungo sa city hall.
Sa pangunguna ni Mayor Bernard Dy kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod ay ibinigay ang watawat ng Pilipinas sa maybahay ng yumaong dating city councilor.
Bukod dito ay ibinigay din ang plake ng pagkilala sa mga naging ambag ni Maximo sa pamahalaang lunsod.
Siya ay maraming taon na naglingkod bilang municipal at city administrator bago nahalal na miyembro ng Sangguniang Panlunsod.
Si dating SP Member Maximo ay naging chairman ng Committee on Laws and Good Governance at kamakailan ay pinarangalan bilang isa sa mga BGD Django Honorary Awardees dahil sa malaking kontribusyon sa pamahalaang lunsod ng Cauayan.




