--Ads--

CAUAYAN CITY- Iginiit ng Punong Barangay ng Minanga, Naguilian, Isabela na walang pinapaborang sinumang kandidato ang kanilang hanay.

Kasunod ito ng naganap na insidente sa kanilang Barangay hinggil sa umano’y panghaharass ng ilang kalalakihan sa mga magsasaka na miyembro ng kooperatiba na kumukuha ng utang na abono mula sa isang pribadong kumpanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Jocelyn Nicolas ng Minanga, Naguilian, sinabi niya na matagal nang gìnagawa ng kanilang opisina ang samahan at paunlakan ang mga kandidato na pumupunta sa kanilang barangay para mag-courtesy call sa kanilang gagawing pangangampanya.

Hinikayat din nito ang mga kandidato maging ang mga pribadong kumpanya na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kung mayroon man silang aktibidad na balak isagawa sa kanilang lugar.

--Ads--

Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng mga magkakalabang kandidato.