--Ads--

CAUAYAN CITY -Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang purok 7, Alibagu, City of Ilagan sa bisa ng Executive Order na ipinalabas ni Mayor Josemarie Diaz bilang bahagi ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga guidelines at protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos na muling makapagtala ng COVID-19 positive patient.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Jay Diaz, sinabi niya na layunin ng pagpapatupad ng ECQ sa Purok 7, Alibagu na mas matutukan ang contact tracing sa mga nakasalamuha ni CV60, 45 anyos, OFW na galing sa Riyadh, Saudi Arabia,

Umuwi siya sa Pilipinas noong June 2, 2020 at nakauwi sa Lunsod ng Ilagan noong June 15, 2020.

Nakasabayan ni CV60 si CV45 sa bus na inarkila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang pag-uwi sa Isabela.

--Ads--

Muling hinimok ni Mayor Jay Diaz ang mga Ilagueno na mahigpit na sumunod sa  mga inilatag na health protocol upang maiwasan ang pagtaas ng COVID-19 positive sa City of Ilagan.

Ang pahayag ni Mayor Josemarie Diaz