CAUAYAN CITY – Naihatid na ng Person with Disability o PWD Office Cauayan City ang inireklamong lalaki na may diperensya sa pag-iisip sa Cagayan Valley Medical Center para sa medikal na atensyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PWD Officer in charge Jonathan Galutera sinabi niya na kahapon ay nakipag ugnayan na sa kanila ang Desk coodinator ng CSWD para sumama at pangnahan ang gagawing aksyon sa inirereklamong Mentally challenge Individual.
Isa ang kanilang tanggapan sa nakipag ugnayan sa Cagayan Valley Medical Center para maihatid siya sa pasilidad at mapagamot.
Sa katunayan aniya ay hindi ito ang unang beses na sila ay naghatid ng mental patient mula dito sa Lunsod ng Cauayan sa CVMC at patuloy pa nilang inaanyayahan ang lahat na may mga kilala o nakikitang mental patient na gumagala gala sa Lunsod na makipag ugnayan sa City Social Welfare and Development.











