--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ni Col. Leopoldo Imbang, Commander ng 503rd Brigade ng 5th Infantry Star Division ng Philippine Army na nasa nasasakupan pa rin lalawigan ng Kalinga ang mga kasapi ng New People’s Army na nauna na nilang nakasagupa.

Ayon kay Col. Imbang, patuloy ang kanilang ginagawalang security operations sa Balbalasang, Balbalan, Kalinga at mga karatig lugar katuwang ang mga kasapi ng 50th Infantry Batallion, LGU’s at PNP upang maging normal ang buhay ng mga mamamayan na apektado.

Sinabi din ni Col. Imbang na may nadiskubreng mga temporary encampment ang mga tropa ng 50th Infantry Batallion na pinaniniwalaang gawa ng mga armadong kalalakihan o New People’s Army.

Kanila namang patuloy na tinutugis ang natitira pang kasapi ng NPA na nananatili pa rin sa lugar.

--Ads--

Samantala, hinikayat din niya ang mga New People’s Army na magbalik-loob sa pamahalaan at makipagtulugan upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa.