--Ads--

CAUAYAN CITY – Nailipat na sa mismong boundary ng Lunsod ng Cauayan at bayan ng Luna ang quarantine control point na dati ay nakatalaga sa Barangay San Fermin.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Public  Order and Safety Division o POSD Chief Pilarito Mallillin, na tulad ito ng Quarantine Control Point sa Brgy Alinam na nasa boundary ng bayan ng Alicia.

Inilalagay sa mismong mga boundary ang mga checkpoints upang  mas mabilis ang kanilang pagtugon kung sakaling magkaroon ng mga kaguluhan sa mga nabanggit na lugar.

Bukod dito ay kinakailangan din nilang bantayan ang Red light District pangunahin na at  nasa ilalim ng  Hybrid GCQ bubble  ang Lunsod

--Ads--

Tatlong grupo aniya ang nakatalagang nagbabantay sa red light District ang mga kasapi ng PNP, CEEMDO at POSD katuwang din ang mga Barangay Tanod ng Barangay San Fermin.

Ipinagbabawal pa rin sa Lunsod ang inuman sa mga pampublikong lugar at maging ang videoke ay ipinagbabawal din at tanging kainan lamang aniya ang pinapayagang magbukas.

Sa ngayon ay wala pa namang nahuhuling lumabag sa patuloy nilang pagtutok at pagbabantay sa red light district.

Ang bahagi ng pahayag ni POSD Chief Pilarito Mallillin.