
CAUAYAN CITY – Mananatili ang mga Quarantine Control Point sa iba’t-ibang bayan at Lunsod sa Isabela kasunod ng pagsailalim sa Isabela sa Alert Level 1.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Amy Dela Cruz, bagong tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hindi tatanggalin ang mga checkpoints sa kabila ng pagbaba na ng alert Level status sa Isabela.
Bagamat bumababa ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan ay nakaposisyon pa rin ang mga checkpoint at nakaalerto rin ang kapulisan sa kanilang isinasagawang anti-criminality checkpoint.
Inihayag pa ni PMajor Dela Cruz na nakatutok din ang IPPO sa mga nakalatag na Comelec Checkpoints at pagpapatupad ng gun ban upang mapanatili ang kaayusan sa isasagawang halalan ngayong taon.
Idinadag pa ni PMajor Dela Cruz na batay sa kanilang talaan ay COVID-19 free na ang buong IPPO dahil sa kasalukuyan ay walang pulis na positibo ng virus.










