--Ads--
CAUAYAN CITY – Tiniyak ni Governor Rodito Albano na wala silang planong magtaas ng quarantine status sa kabila ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus (COVID-19) sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Albano na kung itataas ang quarantine status sa Isabela ay babalik na naman sa umpisa ang lahat at lalo lamang magugutom ang mga tao.
Ang kailangang gawin ngayon ay ipagpatuloy at bilisan ang pagbabakuna para mapababa ang kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito ay bukas pa rin ang lalawigan sa pagtanggap ng mga umuuwing Locally Stranded Individuals (LSI) maging ang mga nagpaplanong umuwi sa Holy Week.
--Ads--
Kailangan lamang nilang sumailalim sa quarantine kapag sila ay may sintomas ng COVID-19.