--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagdeploy ang Quezon Police Station ng mga kapulisan sa NIA-Mallig River Irrigation System bilang bahagi ng mas pinaigting nilang monitoring sa lugar.

Ito ay matapos malunod ang isang dalagitang estudyante sa naturang dam noong ika-9 ng Abril.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Clarence Labasan, Chief of Police ng Quezon Police Station, sinabi niya na maliban sa deployment ng mga PNP personnel ay nakipag-ugnayan na rin siya sa mga opisyales ng Barangay na nakasasakop sa lugar para sa pagtatalaga ng karagdagang pwersa na magbabantay sa lugar lalo at papalapit na ang Semana Santa.

Ang naturang Dam ay kilalang pasyalan ng mga lokal na turista para mag-picnic lalo na tuwing summer.

--Ads--

Dahil dito ay gagawa sila ng improvised na salbabida, at maglalagay ng linya sa dam para matukoy ang malalim na parte ng dam.

Pinaalalahanan naman ni PMaj. Labasan ang publiko na gawing priyoridad ang kaligtasan lalo na sa Semana Santa kung saan inaasahang dadagsa ang mga lokal na turista sa mga ilog at resort.

Dahil sa paparating na long weekend ay nagpakalat na rin sila sa mga strategic areas upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa holiday season.