--Ads--

Opisyal nang idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)–Isabela bilang Drug-Free Workplace ang Quirino Police Station at Local Government Unit ng Quirino, Isabela bilang bahagi ng kampanya kontra-ilegal na droga ngayong ika-anim ng Pebrero taong kasalukuyan sa Legislative Building, Brgy. Luna, Quirino, Isabela.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang unveiling ng Drug-Free Workplace signage, signing of pledge of commitment bilang simbolo na ang lahat ng miyembro ng PNP at empleyado ng pamahalaan ay malinis at walang bahid ng droga sa kanilang mga nasasakupan, iginawad rin ng PDEA ang Balangay Seal of Exellence sa Bayan bilang pinakamataas na pagkilala o parangal na iginagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga Lokal na Pamahalaan (LGUs)—partikular sa mga munisipalidad o lungsod—na nagpakita ng kahusayan sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Pagkatapos nito ay ang pagkakaloob ng sertipiko bilang patunay ng pagkilala ng PDEA sa LGU at PNP Quirino PS, anim (6) na Drug Free Barangay at Labing Lima (15) na Drug Cleared Barangay ng nasabing bayan.


Layunin ng aktibidad na maipakita sa publiko ang kanilang buong suporta at pagpapaigting ng kampaniya laban sa mapanganib na impluwensiya ng droga. Patuloy ang Quirino PS sa pagpapanatili ng ugnayan sa mamamayan at lokal na pamahalaan na palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga alinsunod sa mga patakaran ng Dangerous Drugs Board para sa isang ligtas at mapayapang bayan ng Quirino, Isabaela.