--Ads--

CAUAYAN CITY – Pangungunahan ng Aglipay Police Station sa pakikipagtulungan sa Maddela Police station ang pagsisiyasat para matukoy ang utak sa likod ng pagpatay maging ang motibo sa krimen.

Una nang napaulat sa Bombo Radyo Cauayan na bangkay nang matagpuan sa addalam River ang pulis na miyembro ng Maddela Police station ilang araw matapos itong mawala.

Ang nasawing pulis ay kinilalang si PSMSGT. Dexter Altre, apatnapu’t limang taong gulang na nakatalaga bilang intelligence PNCO ng Maddela Police station.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCOL Rommel Rumbaoa ang Provincial Director ng Quirino Police provincial Office sinabi niya na, dakong alas-kuwartro ng hapon kahapon ng matapos ng Scene of the Crime Operatives ang pagproseso sa bangkay ng nasawing pulis.

--Ads--

Sa inisyal na pagsisisyasat ng QPPO huling nakitang buhay si PSMSGT Altre noong ika-dalawampu’t siyam ng Disyembre 2020.

Kahapon ng matagpuan ang bangkay nito sa Addalam River na nasasakupan na ng bayan ng Aglipay Quirino.

Sa ngayon ay wala pang pormal na report ang inilalabas ng SOCO may kaugnayan sa maaaring ikinamatay ng pulis ay makikitang ilang araw pa lamang ang lumilipas mula ng mamatay ito dahil wala pa sa state of decomposition ang bangkay.

Ayon pa kay PCOL. Rumbaoa may mga ikinukunsidera ng motibo sa maaaring pagpatay kay PSMSGT. Altre.

Nakatakdang isailalim sa utopsiya ang bangkay ni PSMSGT Altre para matukoy ang sanhi ng pagkakamatay nito na pangungunahan ng medico legal expert.

Walang mga traces of evidence o palatandaan na doon pinatay ang pulis kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Inihayag pa ni PCOL. Rumbaoa, nakapalaking insulto sa hanay ng pulisya ang pagpatay kay PSMSGT Altre sakabila nito tiniyak niya na mabibigyan ng hustisya at lalabas ang katotothanan sa likod ng pagpatay.

Gagawin aniya ng kanilang hanay ang kanilang makakaya para mabigyan ng hustisya ang naulilang pamilya.

Bahagi ng pahayag ni PCol. Rommel Rumbaoa.