--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan na rin ngayon ng DOH Region 2 ang lalawigan ng Quirino na nagkaroon na ng maraming kaso ng covid positive.

Matatandaang nagkaroon ng sampung kaso ng nagpositibo sa virus sa nasabing lalawigan sa mga nakaraang araw.

Bahagya ring tumaas ang naitatalang kaso kada araw ng nagpositibo sa virus sa Rehiyon Dos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOH Region 2 Regional Director Dr. Rio Magpantay sinabi niya na epekto pa rin ito ng hindi pagsunod ng mga mamamayan sa mga minimum health protocols.

--Ads--

Aniya may mga ilang nakakaranas na ng sintomas ng virus ngunit patuloy pa ring pumapasok sa trabaho na nagdudulot ng pagkahawa ng kanyang mga kasama at pagdami pa ng mga nagpopositibo.

Tinututukan pa rin naman ng Kagawaran ang mga pangunahing lunsod dahil sa marami pa ring naitatalang kaso pati na ang hanay ng pulisya na kamakailan ay maraming mga nagpositibong kasapi.

Ipinagpapasalamat naman ng DOH Region 2 dahil mabilis ang contact racing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo at kaagad na naisasailalim sa quarantine.

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na ng DOH Region 2 ang nalalapit na vaccination rollout ng pamahalaan.

Inaalam na nila ang prayoridad na mabakunahang health workers at nasa walumpung libong pribado at pampublikong health workers na ang nasa listahan ng DOH Region 2 ngunit ayon kay Dr. Magpantay magdidiende ito sa kung gaano karami ang ibabang bakuna ng pamahalaan para sa Rehiyon Dos.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Rio Magpantay.