--Ads--
Ibinahagi ng actress-beauty queen na si Rabiya Mateo na hindi naging maayos ang lagay ng kanyang mental health noong 2025.
Sa isang social media post, isiniwalat nito na na nagkaroon siya ng depression at anxious distress sa nagdaang taon.
Umalis aniya siya ng bansa sa loob ng tatlong buwan upang mailayo ang kaniyang sarili sa anumang trigger na maaaring makapagpalala ng kaniyang sitwasyon.
Dumating pa umano sa punto na halos mag-deactivate siya sa lahat ng kanyang social media accounts para matahimik at mapayapa ang kanyang buhay.
--Ads--
Ngunit nang malaman niya ang nangyari sa anak ng kanyang kasamahang si Kuya Kim na si Emman Atienza at kung gaano ito naging kahirap sa kanilang pamilya ay ipinangako niya na hindi niya suskuan ang sarili.





