Bumaba ang water elevation ng Magat Dam sa kabila ng nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa lalawigan ng Isabela.
Dahil dito ay isinara na kaninang umaga ang binuksan nilang Radial Gate ng Dam.
Ito ay dahil na rin sa forecast ng PAGASA na wala nang gaanong mga pag-ulan ang mararanasan sa bahagi ng magat water shed.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gilue Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na ngayon ay nasa 184.14 meters above sea level ang antas ng tubig sa dam habang ang Inflow at Outflow ng tubig ay nasa 261.5 cubic meters per second.
Dahil sa pagbaba pa ng tubig sa dam kung kayat mas mababa na rin sa rule curve ang water elevation ng dam ngunit sapat pa naman ito para sa pagpapatubig.