--Ads--
Isang 49-anyos na community radio announcer ang nasawi matapos barilin sa harap ng kanyang tahanan sa La Castellana, Negros Occidental.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente kahapon, Marso 20 sa Sitio Lapak Kawayanan, Barangay Robles.
Kinilala ang biktima bilang si Julio Calo, na tinamaan sa ulo at agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen.
Batay sa imbestigasyon, huminto ang isang puting SUV sa labas ng kanyang bahay bago siya pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
--Ads--
Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kaso.











