--Ads--

Pakay ng Rain or Shine Elasto Painters na makamit ang ikaapat na sunod na panalo sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup sa laban nila kontra Blackwater mamayang alas-5:15 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium. Susunod ang laro ng San Miguel Beermen laban sa Macau Black Knights.

Nangunguna sa standings ang Rain or Shine (3-0) sinundan ng Terrafirma, Phoenix, NLEX, at Meralco (3-1). Nakamit nila ang sunod-sunod na panalo laban sa Black Knights, Tropang 5G, at Meralco, sa pangunguna ni Felix Lemetti.

Samantala, nagwagi rin ang Blackwater kontra Hotshots, 97-91, tampok si Rob Upshaw sa kanyang PBA debut. Ihaharap ng Beermen si 7-foot-1 import Justin Patton laban sa Black Knights bilang kapalit ni Marcus Lee.