Opisyal na magsisimula sa Huwebes, Pebrero 19 ang banal na buwan ng Ramadan sa bansa.
Ayon sa National Commission on Muslim Filipinos, na ito ang naging resulta ng moon sightings na isinagawa nila kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Darul Ifta at ilang mga Ulama group maging ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay hindi nila nakita ang Hilal o ang buwan.
Sa ginawa naman na anunsiyo ni Grand Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani of the Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI) sa Shariff Kabuksuan Cultural Complex (SKCC), Bangsamoro Government Center (BGC) ay nakatanggap sila ng ulat ng moon sightings mula sa mga grupo sa Bangsamoro region na nasa Manila Bay, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani at Sulu.
Sa bansa ang moon sighting ay isinasagawa sa mga lugar ng Cotabato City at Manila.
Pinayuhan din ng NCMF ang mga Muslims na nagtatrabaho sa gobyerno na sa bansa na gawin ang flexible na oras ng pagtatrabaho tuwing buwan ng Ramadan.





