--Ads--

Handa business tycoon Ramon Ang na ipagbili sa gobyerno ang kanyang kumpanya, ang Petron Corporation, na itinuturing na pinakamalaking oil refiner at retailer sa bansa, sa gitna ng kasalukuyang krisis sa langis.

Ayon kay Ang, makikipagtulungan siya sa pamahalaan upang mabawasan ang pasanin ng publiko dahil sa global oil price shock.

Tiniyak niya na hindi pagsasamantalahan ng Petron ang kasalukuyang sitwasyon at handa siyang ibaba ang kita kung kinakailangan.

Idinagdag ni Ang na bukas ang posibilidad na bilhin ng gobyerno ang Petron kung mas maayos nilang mapapatakbo ang kumpanya, at handa siyang magbigay ng buong kooperasyon upang matulungan ang mga kababayan.

--Ads--

Matatandaang noong 2021, inialok na rin ni Ang sa Kongreso na ipagbili muli sa pamahalaan ang Petron, at tiniyak niya na bukas pa rin ang naturang alok hanggang ngayon.