--Ads--

Naging maayos ang ginawang random drug testing na isinagawa sa SM Terminal ng pinagsanib na pwersa ng LTO, Highway Patrol Group, PNP, at Public Order and Safety Division o POSD.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na naging maayos at walang mga driver na pumalag sa ginawang drug testing.

Ngayong araw naman lalabas ang resulta ng drug test ng mga driver ng mga Pampasaherong bus maging jeepney drivers na bumibiyahe sa Lunsod ng Cauayan.

Pangunahing layunin ng Drug testing na ito na masigurong ligtas ang mga pasahero sa kamay ng mga driver maging mga kundoktor ng mga pampasaherong bus na bumibiyahe ng malalayong Lugar.

--Ads--

Umabot sa tatlumpung mga tsuper ang naisailalim sa drug test at ilan sa kanila ang nagpositibo.

Agad na kinumpiska ang lisensya ng mga driver na nagpositibo sa droga at mahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 sa pamamagitan ng regular filling.

Naging mabilisan aniya ang proseso sa pag fill-up ng form at pagkuha ng urine samples dahil sa ilan sa mga tsuper na sumailalim sa test ay may mga karga ng pasahero at upang hindi maantala ang biyahe.