--Ads--

CAUAYAN CITY- Answered Prayer para sa isang Engineer ang maging Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examinantionsa katatapos na Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examinantion (ABELE) matapos nitong manguna sa naturang board exam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. John Philip Dela Cruz, Rank 1 sa katatapos na ABELE, sinabi niya na bagama’t hindi pa rin siya makapaniwala sa resulta ng exam ay labis na kaniyang pasasalamat dahil nagbunga ang kaniyang pinaghirapan.

Aniya, nag-aaral pa lamang siya ay tinarget na niyang mag-top sa board exam kaya naman isang taon ang ginugol niya sa pag-rereview bilang paghahanda sa ABELE.

Dahil sa sobrang hirap ng board exam ay hindi na umano nito inasahan pa na mapapabilang siya sa topnatchers kaya naman labis ang kaniyang tuwa nang malaman niyang siya ang rank 1.

--Ads--

Pinili umano niya ang kursong Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering dahil na rin sa kagustuhan niyang makatulong sa mga magulang niyang magsasaka.

Aminado naman siya na naranasan niyang bumagsak sa isang exam sa isang major subject ngunit ito ang nagtulak sa kaniya na mas lalo pang magsumikap sa pag-aaral lalo na at pinangangalagaan nito ang kaniyang scholarship.

Iniaalay naman niya ang kaniyang tagumpay sa kaniyang pamilya at sa mga taong sumusuporta sa kaniya.