--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging inspirasyon ng Rank 3 sa katatapos na Midwife Licensure Exam ang naging hamon ng kanyang ina upang magtop sa nasabing exam.
Una rito ay pumangatlo sa Midwifery Licensure Examination ang isang dalaga mula sa Cordon, Isabela matapos siyang makakuha ng markang 91. 53 %.
Ang topnatcher ay si Christina Domingo na nagtapos sa Northeastern College sa lungsod ng Santiago.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Christina Domingo kanyang sinabi na hindi niya inasahan ang pagkakakuha ng ikatlong pinakamataas na iskor sa board exam.
Dahil sa hamon ng kanyang ina na mag-top sa board exam kaya’t binigay niya lahat ng kanyang makakaya.
Bago siya mag-kolehiyo ay hindi niya alam kung anong kurso ang kanyang kukunin kaya’t sinabihan siya ng kanyang nanay na kumuha na lang ng midwifery.
Ang kanyang nanay ay nagmamay-ari ng isang birthing home sa Cordon, Isabela at sa kanya iniaalay ng dalaga ang kanyang tagumpay.
Araw-araw umano ang kanyang naging review at isinantabi muna niya ang pamamasyal upang masiguro na maipapasa niya ang exam.