--Ads--

Inihayag ng Rank 7 sa katatapos na Real Estate Appraisers Board Examination na malaki ang naitulong ng kanyang trabaho sa Assessor’s Office sa kanyang pagkakapasa sa naturang pagsusulit.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Nem Galapon Castillo, Rank 7 sa katatapos na Real Estate Appraisers Board Examination sinabi niya na kulang siya sa pagself review kaya pumasok siya sa review center.

Kasabay ng kanyang pagrereview ang pagtatrabaho sa assessor’s office ng kanilang bayan kung saan maraming topics na related sa exam.

Hinikayat aniya siya ng kanyang tatay na kumuha na lamang ng pagsusulit dahil nagtatrabaho naman siya sa assessor’s office.

--Ads--

Dahil dito ay halos tatlong buwan siyang nagreview para paghandaan ang pagsusulit.

Tila hindi naman naniwala ang kanyang tatay na kakayanin niyang ipasa ang pagsusulit dahil lagi siyang naglalaro ng computer games.

Ginawa naman niya itong hamon dahil sa tingin niya ay nagawa naman niya ang lahat sa pagsusulit at kasali pa siya sa topnotchers.

Hinikayat naman niya ag mga nagnanais ding magtake ng nasabing exam na pag-igihan ang pagrereview at huwag lagyan ng negatibo ang mga gagawin para positibo ang magiging resulta.

Aniya maraming oportunidad ang maaring pasukin sa kursong Real Estate Management lalo na sa mga nais maging broker.

Tatlong lisensya kasi aniya ang pwedeng kunin sa iisang kurso lamang.