--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi parin makapaniwala ang isang Cauayeña na siya ay kabilang sa Top notchers at nagtapos bilang Rank 5 sa katatapos na August 2024 Psychometrician Licensure Examination.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Ampy Angela Pre sinabi niya na in- shock parin siya dahil sa overwhelming messages na kaniyang natatanggap mula sa kaniyang mga kaanak at kaibigan.

Sa katunayan aniya hndi niya talaga ito inasahan dahil may ilang subjects kung saan siya nahihirapan at hindi din siya confident sa naging performance niya sa pagkuha ng board exam.

Siya ay unang kumuha ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa University of St. Louis Baguio dahil sa kaniyang hangaring makatulong sa ibang tao.

--Ads--

Hindi naging madali para sa kaniya ang pag-aaral sa kolehiyo  subalit nagawa niyang makapag tapos ng Summa Cum Laude subalit hindi buo ang kanyang loob sa pagkuha ng board exam dahil sa pressure at expectations sa kaniya ng ibang tao.

Nagpapasalamat naman siya ngayon sa lahat ng taong nasa likod ng kanyang malaking tagumpay.