--Ads--

Inaasahang mas lalong tataas ang ratings sa survey ni Former US President Donald Trump matapos ang assassination attempt laban sa kanya.

Matatandaang nasugatan sa kanang tainga si former President Donald Trump matapos ang assasination attempt laban sa kaniya habang nangangampaniya sa Bustler, Pennsylvania.

Nakapasok sa venue ang assasin at nakapwesto sa likurang bahagi ng magpaputok ng baril at tinamaan si Trump.

Alistong pumorma ang mga secret Service na kasama ni Trump at agad siyang inasistehan para ibaba sa entablado.

--Ads--

Sa ngayon ay kumpirmadong napatay na ng secret service ang assasin habang isang audience naman ang nadamay at nasawi.

Matapos ang insidente ay kinundina ni Pennsylvania Governor ang insidente at inihayag na hindi makatarungan ang anumang pag-atake sa mga politiko o kandidato.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, ang gunman ay isang tahimik na estudyante at laging nabubully sa kanilang paaralan kaya hindi sukat akalain ng mga nakakakilala sa kanya na magagawa niya ito.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Pinoy Gonzalez posibleng pumabor na kay Trump ang mga independent voters matapos ang insidente.