CAUAYAN CITY – Nagpadala ng karagdagang tropa ang pamunuan ng 5th Infantry Division Phil Army sa lalawigan ng Cagayan upang mapigilan ang ginagawang extorsion at terrorism actitvies ng New People’s Army o NPA sa nasabing lalawigan.
Sa inilabas na press release ng pamunuan ng 5th ID kinumpirma ni Major General Perfecto Rimando Jr., Commander ng 5th Infantry Division Phil. Army na nakahimpil sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela ang re-grouping ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Zinandungan Valley na nasa pagitan ng Kalinga at Cagayan.
Upang mapigilan anya ang ginagawang axtorsion activities ng mga NPA pangunahin na ngayong panahon ng pangangampanya ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election ay nagpadala na sila ng karagdagang tropa para tumulong sa tropa ng ng 17th Infantry Battallion, Philippine Army.
Inihayag pa ni Major General Rimando na determinado silang tapusin ang suliranin sa insurhensiya sa lalawigan ng Cagayan at sa kanilang nasasakupan.
Magugunitang limang sundalo ang nasugatan makaraang maka-engkuwentro ang mga NPA sa Brgy. Balanni, Sto. Nino, Cagayan kamakailan.




