--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging emosyunal ang pagkikita ng isa sa dalawang mandirigma ng New Peoples Army ( NPA) at kanyang ina sa bayan ng Kiangan, Ifugao

Ito ay una nang matagumpay na nailigtas ng mga kasapi ng 54th Infantry Batallion Philippine Army ang dalawang mandirigma na sina Ka Iyong at Ka Cindy sa naganap na engkuwentro sa Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Narciso Nabulneg Jr., Commander ng 54 Infantry Batallion, sa tulong ng mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO Ifugao at Ifugao Peasant Movement na nagsagawa ng koordinasyon at dayalogo ay naging masaya ang pagkikita nina Ka Iyong at kanyang ina.

Habang magkayakap ang mag-ina ay nag-iyakan dahil sa tuwa at humihingi rin ng paumanhin si Ka Iyong sa kanyang ina.

--Ads--

Inihayag naman ng ina ni Ka Iyong na si Analyn, di tunay na pangalan, labis ang kanyang pasasalamat sa mga sundalo dahil nagbalik loob na sa pamahalaan ang kanyang anak.