--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabasag ng isang atleta ng Thailand ang record ng Malaysia noong 2013 sa shot put relay sa 12th South East Asia Youth Athletics Championship sa City of Ilagan Sports Complex .

Nakapagtala ng bagong record na 16.39 meters ang Thai gold medalist na si Jakkapat Noisri matapos malampasan ang 16.27 meters na record ng Malaysia noong Agosto 2013.

Samantala, masaya ang delegasyon ng Thailand sa kanilang nakamit na limang ginto sa 12th SEA Youth Athletics Championships.
Wala nang laro ang mga atleta ng Thailand kaninang hapon dahil natapos na lahat ang kanilang laro kaninang umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng Coach ng Thailand na si Lathassatoen Tawonch, isang police officer na bagamat wala silang nakuhang medalyang pilak at tanso ay masaya pa rin sila dahil sa napanalunang limang gintong medalya.

--Ads--

Inihayag pa ng Thai coach na nagustuhan niya ang lutong Chicken Curry dahil ganito rin ang kanilang kinakain sa Thailand.

Nagpapasalamat sila sa pagiging hospitable at palaging nakangiting mamamayan sa Lunsod ng Ilagan, Isabela na kanilang nakasalamuha.