--Ads--

CAUAYAN CITY – Natapos na ang recovery operation sa gumuhong condominuim sa Miami, Florida, Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC na umabot sa 98 ang nakuhang bangkay sa pagguho ng labindalawang palapag na gusali sa Florida.

Sa ngayon ay nakilala na ang lahat ng nakuhang bangkay.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang paghahanap sa mga kagamitan na puwedeng ibalik sa mga may-ari.

--Ads--

Aniya, wala na ring naiwan na debris sa lugar pero hindi pa napagpapasyahan kung anong gagawin sa lugar.

Patuloy din ang pagsisiyasat sa dahilan ng pagbagsak ng naturang gusali.

Sinabi ni Ginoong Melegrito na bibigyan ng pamahalaan ng 150 milyon dollars ang bawat pamilya ng mga namatay maliban pa sa insurance.