Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala pa rin daw inilalabas ang International Criminal Police Organization o Interpol na red notice laban sa puganteng si dating Ako-Bicol Partylist Representative Zaldy Co.
Ayon kay NBI Spokesperson Atty. Palmer Mallari, hindi aniya niya masabi o matukoy kung bakit natatagalang tugunan ang hiling nila noon pang November 23, 2025.
Karaniwan umano ay tatlo hanggang apat na linggo ang proseso sa pag-iisyu ng red notice.
Pero giit ni Atty. Mallari, patuloy ang kanilang makikipag-ugnayan sa Interpol hinggil sa nasabing isyu.
Una nang sinabi ng NBI na makikipag-ugnayan na rin sila sa mga awtoridad sa Sweden para beripikahin ang impormasyong doon nagtatago ang dating mambabatas.
Tinatrabaho na rin anila ang ipadadalang liham sa kanilang counterpart doon.
Sa ngayon, patuloy rin aniya ang kanilang koordinasyon sa mga awtoridad sa Cambodia at Portugal kung saan unang naiulat na nagtatago si Co.











