
CAUAYAN CITY – Nakamit na ng ikalawang rehiyon ang 85.41% sa target total population na 3 million 7 thousand na vaccine statistics sa rehiyon hanggang kahapon, April 5.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Nurse 3 Jellico Bryan Cabatotan, Assistance Operations Head ng Regional Vaccination Operation Center na ang total administered sa buong rehiyon ay 5,450,223.
Sa naturang total administered ay 378 ang tumanggap na ng booster doses.
Sinabi pa ni Cabatotan na sa fully vaccinated ay umabot na sa 77.69% o 2.3 million fully vaccinated individual habang sa first dose ay nasa 77.52%.
Patunay lamang ito na marami nang mga mamamayan sa rehiyon ang nabakunahan na.
Inihayag pa ni Cabatotan na mayroon pa silang puntiryang mabakunahan na 60% ng 308,347.










