CAUAYAN CITY-Tatlong panibagong kaso ng Corona Virus Disease 19 naitala sa ang region 2 matapos makapagtala ang Santiago City at Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinumpirma ni Dr. Jose Ildefonso Costales, Medical Center Chief ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) na ang dalawang panibagong COVID positive ay ang isang Med-Tech na sumundo sa COVID 19 positive at isang nurse na nag-asikaso.
Ang dalawang COVID 19 patient ay kapwa asymptomatic ay naka-confined ngayon sa SIMC.
Sinabi pa ni Dr. Costales na maging ang mga nakasalumuhang health workers ng dalawang COVID 19 positive ay naka-confine na rin sa nasabing pagamutan.
Anya dahil sa frontliners ang dalawa ay isinailim nila sa test at lumabas ang resulta na positive.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang RESU at provincial Health Office upang matukoy ang iba pang nakasalumuha ng dalawang pinakabagong COVID 19 positive sa Santiago City .
Samantala, nakapagtala rin ng isang panibagong kaso ang lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ang panibagong kaso ay isang matanda na residente ng Aritao, Nueva Vizcaya.
Ang pasyente ay naka-confine ngayon sa Regional Trauma and Medical Center sa Bayombong, Nueva Vizcaya.










