Naitala ang labing anim na kaso ng Variants of Concern o VOC ng Covid-19 sa Rehiyon Dos ayon sa DOH Region 2.
Ito ay nagmula sa tatlong lalawigan sa lambak ng Cagayan, Isabela, at Quirino.
Ayon sa DOH, sa bilang ng naitalang kaso, labing apat dito ay UK variant at dalawa ang South African variant.
Siyam ay pawang mga local transmission at pito ay mula sa nagbalik na mga OFWs sa bansa.
Ang mga kaso ng UK variant ay mula sa Lunsod ng Ilagan; sa mga bayan ng Alicia, Benito Soliven, Cordon at Gamu sa Isabela.
Kasama rin ang Tuguegarao City at bayan ng Penablanca sa lalawigan ng Cagayan; maging ang bayan ng Diffun, Quirino.
Ang dalawang kaso ng South African variant ay mula sa bayan ng Baggao, Cagayan at sa Sta. Maria, Isabela.
Ayon pa sa DOH, natuklasan ang mga variants sa Lambak dahil sa regular na pagpapadala ng samples sa Philippine Genome Center sa Maynila upang isalang sa genome sequencing.
Sa ngayon, wala pa ring kasong naitala sa rehiyon ng Indian variant o ang mas mapanganib at mas kinakatukang variant ng Covid-19.