CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) Region 2 na hanggang noong araw ng Linggo, May 14 ay nananatiling nasa low risk classification ng COVID-19 cases ang ikalawang rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Aisha Rowena Arce, Head ng Communications Management Unit ng DOH Region 2 na ang lahat ng lalawigan sa Region 2 ay nananatiling nasa low risk classification ng COVID-19 cases bukod pa sa mababang average daily attack rate habang nasa low risk din ang health care ulitilization sa rehiyon.
Sa kasalukuyan ay may 263 active cases sa Region 2.
Lahat ng mga kaso ay local cases at 13% sa mga kaso ay healthcare workers.
Karamihan din ay may mild symptoms ngunit 1% lamang ang nasa critical na kondisyon.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang case surveillance hanggang case detection upang maiwasan ang mabilis na transmission at manatiling mababa ang kaso.
Patuloy din ang isinasagawa nilang contact tracing.
Hinikayat niya ang publiko na magpabakuna at magpa-booster bukod pa sa pagpapanatili ng pagsusuot ng facemask sa mga pampubliko at matataong lugar.