--Ads--

CAUAYAN CITY- Nangunguna ang Region 2 sa talaan ng may pinaka-maraming Road traffic incident sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Department of Health Undersecretary, Dr. Glenn Matthew Baggao, sinabi niya na sa ngayon ay mayroon nang kabuuang 496 na road traffic incident sa Pilipinas.

Nangunguna rito ang Region 2 na may 161 kaso, Region 7 na may 101, Region 9 na may 58, National Capital Region na may 53 at Region 1 na may 38.

Karamihan sa mga biktima ay mga kalalakihan na gumagamit ng mga motorsiklo.

--Ads--

Madalas umanong walang suot na helmet ang mga ito habang ang iba ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Pinaalalahanan naman niya ang mga motorista na iwasang magmaneho kung hindi kaya upang hindi na madagdagan pa ang mga road traffic incident sa bansa.