--Ads--

CAUAYAN CITY- Mariing tinututulan ng region 2 riders federation ang pagpapatupad sa mas malaking plaka ng mga motorsiklo matapos itong maging ganap na batas.

Iginiit ng nasabing grupo na maaaring magdulot ito ng aksidente sa daan lalo na sa sumusunod sa motorsiklo dahil walang sadyang mga tagagawa ng motorsiklo para matiyak na maayos ang paglagay dito sa harapan at likuran ng motorsiklo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Region 2 Riders Federation OIC Dante Ordinario na diskriminasyon sa mga nagmamaneho ng motorsiklo ang nasabing batas na tila hindi pinag-aralang mabuti.

Ito ay dahil walang kriminal na gagamit ng motorsiklo na may malaking plaka dahil madaling makilala.

--Ads--

Naghahanda na rin ang kanilang grupo para sa isang malawakang kilos protesta sa rehiyon dos sa araw ng Linggo upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa doble plaka sa motorsiklo.

Ayon kay Ginoong Ordinario, nabigyan din silang mga riders ng pagkakataon para iparating ang kanilang saloobin ngunit walang nangyari sa pagpapatwag sa kanila maging sa isinagawa nilang signature campaign para tutulan ang paggamit ng malaking plaka ng mga motorsiklo.

Iginiit niya mas bagay ang mga malalaking plaka sa mga sasakyan na may apat na gulong dahil madalas na ang mga ito ang ginagamit ng mga gumagawa ng krimen.

Pinuna rin niya ang malaking penalty na P/50,000.00.